Saturday, March 13, 2010

Pagsunod sa Tadhana



Sa dahilan na siya lang ang nakakaalam, ang manunulat ay naglagay ng mga tauhan na may mga plastic na mata sa kanyang kuwento. At kahit na bulag ang mga tauhan, maganda ang naging pananaw nila sa buhay. Sila ay nabubuhay ng masaya, masigla at puno ng pag-asa. Ang tanging hindi nakuntento ay si Rek L. Amador.

“Hoy Writer!“ sigaw ni Rek L. Amador habang nakatingala sa langit. “ Bakit mo kami binigyan ng mga plastic na mata?”

Hindi sumagot ang manunulat.

Ang reklamo ni Rek L. Amador ay naging paksa ng usapan sa pagitan nina Mae Pagalinlangan, Nani Niwala at Dina Ninie Wala.

“May paniwala ako na kaya tayo binigyan ng writer ng mga plastic na mata ay para pagkatiwalaan natin siya na gagabayan niya tayo.” sabi ni Nani Niwala.

“Hindi ako naniniwala sa existence ng writer,” sagot ni Dina Naniniwala. “Tumingin kayo sa paligid na parang nakakakita ngunit kahit isang chance ay wala. Napakaabsurd na ang isang writer ay magsusulat ng kuwentong puno ng mga taong plastic ang mga mata.”

“I doubt kung tototo bang may writer,” singit ni Mae Pagalinlangan. “Dahil sa ating mga plastic na mata, hindi natin siya nakikita. Ang existence niya ay isang misteryo.”

Si Rek L. Amador ay nikikinig sa usapan ng tatlo at muli na namang sumigaw sa itaas.
“Writer, nakikita mo ba kung ano ang ginawa mo sa amin? Ano ba ang nais mong ipaabot noong linagyan mo ng mga taong may plastic na mga mata ang kuwentong ito?”

Dahil dito, binura ng writer si Rek L. Amador sa kuwento bilang tugon sa tanong niya.

Pagkatapos ng nasaksihan, huminto na sila Nani Niwala, Dina Niniwala at Mae Pagalinlangan sa kanilang diskusyon. Muli silang nakihalubilo sa mga taong may mga plastic na mata na tulad nila.

At kahit hindi nakakakita, sila ay muling namuhay ng masaya, masigla at puno ng pag-asa.


Wakas!
xxx

16 Oktubre 2009

1 comment:

Unknown said...

Isa sa mga pinakanagustuhan kong kwento mo! Maikli, nakakatuwa ang mga pangalan, simple at natural ang ending. O nga naman, kung may reklamador, burahin mo na lang sa mundo mo, hahaha!
Sana pala ginawa mo palang pangalan ni Dina Niniwala, "Dinani Niwala," para mag-kamag-anak sila ni Nani Niwala =)

Ayos!