Sunday, October 3, 2010

Tatlong Kabanata


The presence of death at the end of our path has made our future go up in smoke; our life has “no future”, it is a series of present moments. – Jean Paul Sartre

Imortal

Habang umiinom ako ng kape kanina, napaisip na naman ako ng mga morbid na idea. Ano bang meron sa kamatayan at bothered ako palagi? Siguro yung oras kung kelan darating. Sabi ni Malik ang kaluluwa daw ay imortal at patuloy na mabubuhay pagkatapos mabulok ang katawang-lupa. Pero kung buhay pa rin ang aking kaluluwa at wala ng katawan, magiging loose-fitting naman lahat ang aking mga damit. Siyet.. ano sa tingin nyo?

Walang Tulugan

Muli kong tinangkang magpakamatay kanina. Sa pamamagitan ng pagbasa sa butas ng aking ilong at isaksak ito sa kuryente. Swerte ko, nagshort-circuit, tumalsik ako sa inidoro. Dahil obsessed ako sa kamatayan, napamura ako sa nangyari. Meron kayang buhay na walang hanggan? At kung meron, makakapanuod pa kaya ako ng Walang Tulugan?

Pamahiin

Naglalakad ako kanina pauwi ng may nakita akong itim na pusa sa daan. Naalala ko ang pamahiin. Malas daw kapag tinawiran ka ng pusang itim. Kaya ako ang tumawid sa basang kalsada. Nang biglang may dumaan na sasakyan. Ang malas ko, muntik na akong mabunggo, natalsikan pa ako ng tubig na may kasamang tae ng aso. At ang lahat ng ito ay nasaksihan ng itim na pusa na ngayon ay nakangisi at tila nagdiriwang.



Oktubre 3, 2010

Monday, September 27, 2010

Ang Ulo


Unang araw ng burol ng asawa ni Mrs. Santos sa Funeraria Lokal. Para bang hindi nagluluksa sa pagkamatay ng asawa, abala siya kasama ang ilang mga kamag-anak sa pag-aasikaso sa burol, naghahanda para sa pagdating ng mga makikiramay. Hindi mapakali si Mrs. Santos, nais niyang mabigyan ng disenteng burol ang kanyang asawa. Pinagmamasdan ni Mrs. Santos ang kanyang namayapang asawa sa loob ng kabaong nang mapansin niyang hindi bagay sa asawa ang suot na amerikana kaya kinausap niya ang Director ng nasabing Funeraria.

“Ayoko yung kulay ng amerikana na suot ng asawa ko. Gusto ko yung kulay asul na suot nung patay sa kabilang kuwarto. Asul kasi ang paboritong kulay ng asawa ko.”

“Ganoon ho ba? Sige papalitan natin, babalik kami pagkaraan ng kalahating oras.” sabi ng Director.

Muling inilabas ang kabaong sa kuwarto.

Makalipas ang kalahating oras, inihatid muli sa kuwarto ang labi ng asawa ni Mrs. Santos. Natuwa siya nang makita niya ang kanyang asawa na ngayo'y naka asul na amerikana na.

“Maayos ang trabaho niyo,” aniya sa Direktor, “ang bilis niyong binihisan ang asawa ko.”

Napangiti ang Director. “Salamat ho. Naisip namin na mas mabilis gawin yun kung pagpapalitin na lang namin yung ulo ng asawa niyo at nung nasa kabilang kuwarto.”

Tapos

27 Setyembre 2010

Wednesday, September 22, 2010

Kariton


Pagkalipas ng limang oras ng pamamalimos sa lansangan at makaipon ng tatlumput-anim na piso at singkuwenta sentimos, naghuhumangos pauwi ang limang taong gulang na si Jun-Jun dala ang nabiling dalawang tableta ng gamot para sa may sakit na ina.

“Nay! Nay! Dala ko na po ang gamot niyo. Gagaling na po kayo!” masiglang sabi niya habang papalapit sa lumang kariton na nagsisilbing higaan ng kanyang ina.

“Nay! Gising!” bahagyang niyuyugyog ng bata ang ina. “Gagaling na po kayo.”

Walang narinig na sagot si Jun-Jun. Katahimikan ang nanaig.

“Nay?”

Naupo ang bata sa lupa katabi ng kariton, nakatitig siya sa hawak na gamot habang unti-unting pumapatak ang luha sa kanyang mga pisngi.

Tapos



20 Setyembre 2010


Halaw ang larawan sa: http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://s4.hubimg.com/u/2592063_f496.jpg&imgrefurl=http://hubpages.com/hub/Have-Kariton-Will-travel-From-College-and-Beyond&usg=__VoK1h6IgAfh8H_GhJ7n7DwzlGnE=&h=335&w=496&sz=34&hl=tl&start=81&sig2=OOHFUoRFKU48BpVkqiBY4A&zoom=1&tbnid=0F8H1in8UvatgM:&tbnh=132&tbnw=160&ei=f3qfTJmjL866cYOw4McJ&prev=/images%3Fq%3Dkariton%2Bpics%26um%3D1%26hl%3Dtl%26sa%3DX%26rlz%3D1R2ACEW_enPH383%26biw%3D1003%26bih%3D439%26tbs%3Disch:10%2C2908&um=1&itbs=1&iact=hc&vpx=742&vpy=202&dur=1388&hovh=158&hovw=235&tx=132&ty=118&oei=OXqfTK3jLJOHcaa8qMMJ&esq=10&page=10&ndsp=10&ved=1t:429,r:9,s:81&biw=1003&bih=439

Saturday, August 28, 2010

Klasrum


“Ano ang sibika?”

Itinaas ni Ana ang kanyang kanang kamay ngunit ang kaklase niyang nasa likod ang natawag.

“Ang sibika ay may kinalaman sa pamumuno at patakaran sa isang bansa, napapaloob dito ang tungkol sa mga nasasakupan o teritoryo kasama din dito ang kultura sa bawat bansa”

“Very good.”

Napakamot sa ulo si Ana. “Bakit ganoon parang hindi ako nakita ni mam.” tanong niya sa sarili.

Teng! Teng! Teng!

Recess.

Nagmamadaling nagtakbuhan sa labas ng classroom ang mga estudyante.
Ang iba ay nagtulakan palabas. Isang kaklase ang bumangga kay Ana ngunit parang hindi niya ito naramdaman. Nagtungo si Ana sa ilalim ng malaking puno ang akasya kung saan nakaupo si Mila, ang kanyang matalik na kaibigan. Dito sila madalas na magkuwentuhan tuwing recess.

Sumalampak ng upo si Ana sa harap ng kaibigan. Napansin niyang malungkot ito.

“Bakit ka malungkot?” tanong niya.

Hindi sumagot ang kanyang kaibigan. May pumatak na luha sa larawang hawak ng kaibigan.

“May problema ka ba?”

“Kung nandito ka lang kahapon makakapaglaro pa sana tayo ngayon.” sabi ng kaibigan na hinidi man lang tumingin sa kanya.

“Nandito naman ako ngayon ah.”

Patuloy ang pag-iyak ni Mila na parang hindi narinig ang sinabi ni Ana.
Hahaplusin na sana ni Ana ang pisngi ni Mila ng biglang tumayo ito pagkarinig sa tunog ng bell hudyat ng muling pagsisimula ng klase.

Nagtaka si Ana dahil sa biglang pag-iwan sa kanya ng kaibigan. Naisip niya na baka nagtatampo ito sa kanya dahil sa hindi niya pagpasok kahapon dahil nagkasakit siya.
Muling bumalik si Ana sa kanilang classroom, naupo ito.
Pagkalipas ng isa’t-kalahating oras ay nag-uwian na rin sila.

Laking gulat ni Ana ng dumating siya sa kanila. Napakaraming tao sa kanilang bakuran. May nakasabit na tolda sa kaliwang bahagi ng kanilang bahay na nagsisilbing lilim sa mga taong naroon. Hindi niya kilala ang karamihan sa mga ito. Wala naman sinasabing okasyon ang kanyang nanay. Naalala niya ang kanyang tatay na nagtratrabaho sa ibang bansa. Naexcite siya. Baka dumating na ang kanyang tatay kaya maraming tao. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay nang salubungin siya ng liwanag na galing sa mga iba’t-ibang ilaw. Nagtaka siya. Tanghaling tapat naman ngunit bakit napakaraming ilaw sa loob ng bahay nila. Iginala niya ang kanyang mga mata, sa isang sulok ng bahay ay nakita niya ang kanyang ina na umiiyak, yakap-yakap ang isang kamag-anak. Lalapit sana siya sa kanyang ina ng mapansin niya ang isang kulay puting kabaong na nasa isang bahagi ng kanilang sala. Lumapit siya dito upang tignan kung sino ang nakahimlay.

Laking gulat niya ng makita niya ang kanyang sarili na nakahiga sa loob. Nagsisisigaw ngunit wala ng nakakarinig pa sa kanya.


Agosto 13, 2010

Monday, August 23, 2010

Gudtaym



Gudtaym
A play in one act. Hehehe.

Alas syete ng gabi. Sa isang kanto na hintayan ng bus. Nakatayo ang hindi mapakali at isputing na isputing na si Argie.
Parating naman ang hinihintay na matalik na kaibigang si Emerson.

Argie: Ang tagal mo. Kanina pa ako naghihintay sa iyo.

Emerson: (Nakatingin sa kanyang relo.)
Maaga pa naman tama lang sa usapan natin.

Argie: Pumorma ka pa kasi ng todo eh.

Emerson: Siyempre naman. Ikaw nga oh, tignan mo isputing na isputing.
Nakapomada ka pa. Hahaha.

Argie: Tado. Wala to. Bagong ligo lang ako.

Emerson: Bah, dapat lang no. (Nagyayabang.)

Ikaw ba naman ang iinvite ng mga girls sa party.

Argie: Siyempre. Iba na yung.. hehehe. (Sabay kindat sa kaibigan.)

Emerson: Sa tingin mo, okey kaya tayo doon? Hindi kaya dyahe.

Argie: Bakit naman. Inimbitahan naman tayo ah.

Emerson: Di kaya mainsecure sa atin mga lalaki dun?

Argie: Hinde. Relax ka lang. Kilala naman natin sila. Third year hign school lang mga yun, mas matanda lang sila ng isang taon sa atin.

Emerson: Sabagay. Game. (Pinagdaop ang magkabilang palad sabay kiskis.)

Argie: Ano? Ilabas mo na yung baon nating pampalakas ng loob para mamaya hindi na ako dyahe makipag-usap kay Katrina. Pagkakataon ko na ito.

Emerson: Oo nga, nandun din si May.
(Tumingin sa kanyang relo.)

Okey. Matagal pa naman bago dumating yung bus.
(May dinukot si Emerson sa bulsa ng kanyang jacket. Iniabot ito sa kaibigan.)
Argie: Wow! Ang ganda ng pagkakabilot mo, ah.

Emerson: Tado! Wag kang maingay baka may makarinig sa iyo. Yari tayo. Sa kuya ko yan.

Argie: Malakas ba tama nito? Pangalawang subok ko palang ito, eh. Baka di ko makaya ang trip niya.

Emerson: Di wag nating ubusin. Eto.
(Iniabot sa kaibigan ang hawak na lighter.)
Sindihan mo na.

Argie: Okey. Ayos.
(Sinindihan ang hawak na marijuana. Humitit ito ng pagkalalim-lalim, halos humupak ang magkabilang pisngi. Sinalsal siya ng ubo at halos manikip ang dibdib pagkatapos ibuga ang mabangong usok ng damo.)

Ikaw naman.
(Ipinasa sa kaibigan ang binilot na damo. Humitit ito ng malalim. Sumunod ang hindi mapigilang pag-ubo. Ilang hitit pa at parang idinuduyan na ang magkaibigan sa ulap.)

Emerson: Okey bro. Solve. Sarap ng feeling.

Argie: Ang tagal ng bus. Kakainip.

Emerson: Dapat nandoon na tayo bago mawala ang tama pero relax ka lang. Ang bida nahuhuli ang dating.

Argie: Sarap ng pakiramdam. May baon ka bang kornik dyan?

Emerson: Tang na! Wala. Bro, pahiram ng suklay mo.

(Dumukot sa bulsa si Argie. Iniabot ang kanyang dilaw na suklay.)
Emerson: Ayos! Sarap magsuklay bro.

Ang lambot ng buhok ko.

Hahaha.

Inubos ko yung isang sachet ng Sunsilk.

Argie: Yari na naman ang buhok mong Spandau Ballet.

Hahaha.

Ayos sa bangs.

Hahaha.

(Tawanan ng tawanan ang magkaibigan habang walang patid sa pagsuklay si Emerson sa kanyang buhok. Tila sarap na sarap siya sa pagsuklay. Namanhid na ang kanyang anit sa walang habas na pagsuklay.)

Emerson: Tang na, Bro! Halata ko, 30 minutes na yata akong nagsusuklay dito. Hahaha. Tamo ang lambot na ng buhok ko.

Argie: Hahaha. Ako nga rin.

(Hinablot ang suklay sa kaibigan.)

Emerson: Bro, tingnan mo oh, ang lambot.

( Inaalog-alog pa ang ulo para malibang siya sa bounce ng kanyang buhok.
Samantalang si Argie naman ngayon ang nagtitrip na magsuklay ng magsuklay. Hinahaplos-haplos pa ang buhok.

Siryoso siya sa pagsusuklay hindi namamalayan na nagpapanic na ang mga kuto sa ulo niya.
Tawanan ng tawanan ang magkaibigan. Hindi napupuna na ginagabi na sila.
Nang biglang humagibis sa kanilang tapat ang kanina pa’y hinihintay na bus.)

Argie: Tang na, bro! Ayun na yung bus. Bakit di mo pinara?

Emerson: Hindi ko nakita, bro. Bakit di mo pinara?

Argie: Nagsusuklay ako e.

Emerson: Tang na! Wala na. Hindi na tayo makakarating. Gabi na.

Argie: Anong oras pa ang susunod na bus?

Emerson: Alas onse pa. Shit!

Argie: Tang na. Wala na akong tama nun.

Emerson: Di sindihan ulit ang natitira.

Argie: Oo nga no? Sabay trip ulit sa pagsusuklay. Hahaha.

Emerson: Oo. Tignan mo ang lambot o.

Hahaha.

(Sabay na nagtatawanan ang magkaibigan. Inilabas uli ni Emerson ang natitirang bilot ng damo, iniabot kay Argie at sinindihan. Ilang ulit pa silang nagpalitan ng hitit at buga. Maluwag na ngayon ang kanilang mga lalamunan. Habang ang usok ay tinatangay ng hangin pagawi sa naglalakad na si Lando. Nalaman kaagad ni lando kung ano at saan galing ang amoy na iyon kaya dahan-dahan siyang lumapit sa magkaibigan.)

(Pinalaki niya ang kanyang boses. Sumigaw na siyang ikinagulat ng magkaibigan)

Lando: PULIS AKO! ANO YANG GINAGAWA NYO?

(Walang lingon-likod na kumaripas ng takbo ang magkaibaigan. Bad trip ang tama.)

Argie: Bro, ang suklay ko naiwan!

(Sigaw ni Argie habang kumakaripas sila ng takbo samantalang si Lando ay tawa ng tawa sa kanyang kinatatayuan.)

T A P O S


23 Agosto 2010

Sunday, August 22, 2010

Ang Panauhin


Noong bata ako, tandang-tanda ko pa, Grade 1 ako noon, nagising ako ng madaling araw. Siguro mag-aalas kuwatro yon. Katabi ko sa higaan ang yaya ko. Mahimbing siyang natutulog ng oras na yon. Malamig sa loob ng kuwarto. Bukas ang aming bintana na yari sa capiz. May kalumaan na ang bahay na ang nagiisang palapag ay mas mataas sa lupa ng tatlong talampakan. Kailangan mong umakyat ng limang baitang ng hagdanan para makapasok ka sa loob. Ewan ko, ganoon yata talaga ang style ng mga bahay noong unang panahon. Gawa ang lahat sa kahoy. Parang antigo. Nakapatong ang bahay sa apat na malalaking poste pwede ka pang makapaglaro sa ilalim.

Mabalik tayo sa loob ng kuwarto kung saan nangyari ang ikukuwento ko at tulad ng nasabi ko kanina, nagising ako dahil sa ginaw. Hinagilap ko ang kumot at ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng may natanaw akong anino sa may pintuan. Sarado ang pintuan ngunit nakita ko ang anino na nakatayo doon. Dahil may kadiliman sa loob ng kuwarto at nakakulambo kami, hindi ako sigurado kung galing nga sa pintuan ang anino. Nakita ko na lamang na naroon. Dahil bata pa ako noon, siyempre natakot ako pero dinaig pa rin ako ng aking pagtataka. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahang iminulat ng bahagya ang kanan. Sinilip ko ang anino na ngayon ay nagkakahugis na, tao siya at naglalakad na ito palapit sa tabi ng aking kama. Pagkatapat na pagkatapat sa aming hinihigaan doon ko nakita na siya ay isang matandang babae dahil nakabelo pa ito ng itim na tulad ng nakaugalian ng mga matatandang babae noong panahong iyon. Hindi ko maaaninag kung sino siya. Madilim kasi. Tumigil siya ng ilang saglit sa tapat ng kama namin at pagkatapos ay muli siyang kumilos patungo sa bintana. Tumingala ako dahil nasa may ulunan ko ang bintana at upang masundan ko siya ng tingin, nang laking gulat ko, lumabas siya sa bintana. Tumagos nga siya tulad ng pagpasok niya kanina sa pintuan. Kasabay ng paglaho niya ang biglang kong pagtalukbong ng kumot.

Muli akong nakatulog.

Pagsikat ng araw, handa na kaming lahat sa bahay para mag-almusal. Nakabihis na ang aking mga magulang para pumasok sa kanilang mga trabaho. Ako naman ay bihis na rin, handa nang pumasok sa school. Nag-almusal ako kasabay sila at habang kumakain kami naalala ko ang nakita ko noong magising ako kaninang madaling araw.

“Ma, nasan si Lola?” walang malisyang tanong ko sa nanay ko, “hindi po siya sabay sa atin kumain?”

“Ang Lola mo? Wala siya dito, di ba? Nasa kanila siya at sa sabado pa ang dating niya.” Sabi ng nanay ko habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng tatay ko.

“Akala ko dumating na siya kasi nakita ko siya kaninang umaga sa kuwarto ko habang tulog kami.”

Napatingin sa akin ang nanay at tatay ko. Nabitawan ng yaya ko ang hawak niyang baso ng marinig niya ang mga sinabi ko.


21 Agosto 2010

Friday, August 20, 2010

Ang Paghihintay


Tulad ng mga nakaraang gabi ng nakalipas na dalawang linggo, sa bintana ng bahay, siya ay nakatingin na naman sa malayo.
At tulad ng mga nagdaan gabi, malalim na naman itong nag-iisip.
Nakatingin sa kawalan.
Naghihintay.
Gabi-gabi ay umaasa siya na sana ay dumating na ang kanyang hinihintay.
Natatakot na siya.
Nagtatanong.
Kailan?
Malapit na siyang mawalan ng pag-asa.
Malapit na niyang tanggapin ang katotohanan.
Ngunit ano ang katotohanan para sa kanya?
Ang paghihintay ay may kasabay na maliit na pag-asa.
Ng pagbabakasakali .
Parang sugal.
Tulad ng mga nakaraang gabi, nag-iisip na naman siya kung bakit nangyayari ito sa kanya ngayon.
“Bakit sa akin pa?” aniya, “sa kabila ng mga paghihirap at sakripisyo ko. Bakit hindi sa iba?”
Wala siyang kamalay-malay.
Kung alam lang niya na ganito ang kahihinatnan.
Hindi sana siya ngayon nakakaramdam ng takot at lungkot.
At tulad ng mga nakaraang gabi, siya ay nagtatanong.
“Hanggang kailan ako maghihintay? Darating pa kaya? Paano kung hindi na? Ano ang mangyayari sa akin?”
Malapit na siyang panghinaan ng loob?
Pagdating ng hinihintay niya, alam niyang magbabagong muli ang lahat.
Maibabalik sa dati ang lahat.
Mabubura ang mga pag-aalinlangan.
Tumatakbo ang panahon.
Sana hindi pa huli.
Sana may pag-asa pa.
Pakiramdam niya ay tinatakasan na siya ng panahon.
Parang buhangin sa nakakuyom na palad.
Unti-unting naglalaho.
Wala na ba?
Ilang beses na rin niyang sinubukan alamin kung dumating na ito ngunit nagkamali siya.
Wala pa.
Minsan nag-aalala siya sa kanyang ginagawa.
Hindi na niya alam kung ano ang dapat gagawin.
Maghihintay na lamang ba siya?
Muli siyang binalot ng kalungkutan.
Nag-iisa siya.
Mas masarap yata kapag nag-iisa.
Hindi umaasa.
Kalungkutan ang umasa.
Kalungkutan ang mabigo.
"Hanggang kailan ako maghihintay ng walang kasiguruhan." tanong niya sa sarili.
"Darating na ba bukas? Makalawa? Sa susunod na linggo? Sa isang buwan? Paano kung hindi dumating sa panahon ng aking paghihintay?"
Malapit na siyang mainip.
Paano kung pagod na siya sa paghihintay at tuluyan na siyang sumuko?
Paano kung wala ng halaga sa kanya ang kanyang hinihintay?
Paano kung dumating ito at hindi na niya kailangan?
Alam niya na kapag dumating ang panahong iyon doon lamang siya magiging malaya.

"Sana bukas dumating na." bulong niya.

Friday, August 13, 2010

Ala-ala


Pagkababa niya ng sasakyan ay
nagmamadali siyang pumasok sa bahay, excited.
Iginala niya ang kanyang paningin sa sala, may hinahanap.
Dumiretso siya sa kusina.
“Kat?”
Walang sumagot.
Umakyat siya sa kuwarto at muli,
“Kat? Andito na ako.”
Wala pa rin siyang narinig na sagot.
Bumaba siya at nagtungo sa garahe, nababakasaling naroon ang kanyang hinahanap.
“Kat! Nasan ka?”
Tahimik pa rin ang bahay.
Napakamot siya sa ulo, nagtataka.
Pagkatapos ng ilang saglit ay nagtungo siya sa hardin. Baka naroon siya.
“Kat! Tara na, andito na ako.”
.... Nang bigla niyang maalala,
anim na taon na pala ang nakakalipas mula noong
pumanaw ang kanyang asawa.


Agosto 13 , 2010

Sunday, August 1, 2010

Paglisan


Sa ilalim ng mga bituin
ika’y umiyak, tumawa,
paminsan-minsan napapasigaw,
Laging ngangailangan
ng kahit kapiraso,
nangarap ng malaki.

Ikinalulungkot mo ang hindi pagiging makatarungan ng buhay kung minsan!
Hindi ka man lang kumilos.
Hanggang..
sa wakas.
Ika’y lumisan.


1 Agosto 2010

Thursday, July 29, 2010

Walang Hanggan


Kapag binawi na ng panahon ang aking marupok na katawan
at magiging abo na lang sa iyong paningin,
Mananatili ako kahit na gaano kanipis ang liwanag.

29 Hulyo 2010

Pagtanggi


Ang iyong pag-ibig ay parang pinupunit na papel sa aking puso
habang pinapanuod kitang tumatawa.
Nagkulay dugo ang sikat ng araw sa aking mga mata.


29 Hulyo 2010

Halaw ang larawan sa: http://www.blogger.com/post-create.g?blogID=5280165375131550394

Friday, July 9, 2010

Kulong


"You've got to jump off cliffs all the time and build your wings on the way down." — Ray Bradbury

Hindi pa ako naglakas loob na tumalon, lugmok sa lupa.
Hindi alam kung paano gumawa ng sariling pakpak
Takot sa lahat ng bagay.
Natatakot at napapasigaw ako kapag nasa tuktok ng gusali
Nanginginig at biglang napapatakbo dahil hindi iyon ang ideya ko ng kaligayahan.
Mabuti ng tapat ka sa sarili hindi tulad ng ambisyosong si Icarus
Inaamin ko nabuhay akong nasa ibaba, simple at walang buhay
Takot na mangarap at malagyan ng kulay.


9 Hulyo 2010



Halaw ang larawan sa: http://blog.lib.umn.edu/rosex228/architecture/icarus.jpg

Tuesday, June 29, 2010

Iba't-Ibang Kulay



Kaligayahan
ang langaw
sa tuktok ng aking ilong
na sa konting kilos
ay lilipad palayo

Kaligayan
ang aking balbas
na ilang araw ko ng pinapahaba
at kahit hindi pantay-pantay
ay napapansin nila

Kaligayahan
na nakatabi kita ng isang gabi
pagkatapos kong makilala si Trina
at bago ko nakapiling si Anne

Kaligayan
na makadampot ako ng piso
pandagdag sa singkuwenta sentimos
na pambili ng sigarilyo.



29 Hunyo 2010


Halaw ang larawan sa: http://api.ning.com/files/Fu1Q6N-Io2fo3bCMJDVgpeGH83vYfsr6yB88gt8x7wJVjlN4oMzukbiGDXzjB-KvcUIEaWNplhnziZHaDMTonIZ7iH*WKqYT/glad_gubbe_1.jpg

Monday, June 21, 2010

Tag-araw


Nakabisagra sa pagkalimot na parang pintuan,
Dahan-dahan na nagsara sa aking paningin,
Ang babae na aking minahal
Di ko na mabilang kung ilang beses siyang natulog sa aking tabi na parang estatwa,
Manhid sa init ng aking mga haplos
Hanggang sa panaginip dala ko ang pagngingitngit.


20 Hunyo 2010

Friday, June 18, 2010

Sino ba talaga ako?


Tinanong mo kung sino ako,
Tinanong mo kung saan hinabi ang aking kaluluwa?
May mga ilang bagay na sinusubok ko
Ang aking pag-iisip ay hindi mababaw
Ang aking pintuan ay hindi nakapinid
Sa bawat taong nais tumingin
Yari ako sa lupa
At hindi isang armas sa oras ng digma
Ang gamit ko ay hindi tuwid at nangingislap
Ngunit may paninindigan na matatag
Kapatiran at katapatan ang aking mga armas
Kapayapaan na hangad ko ay ipinagkait mo
Nagising mula sa pagkakahimlay
Sino ba talaga ako?


18 Hunyo 2010

Tuesday, June 15, 2010

Ang Panauhin


Ang buhay sa aking paningin ay isang payak na mundo
Madalas na wala akong pakialam kung ano ang susunod na mangyayari sa paligid ko, sa aking kapalaran.
Nasasabi ko ito ayon sa aking pananaw, obserbasyon at nakikita mula sa bintana na ito.
Mga kabataang nagkakasayahan habang naglalakad sa kalye, ang araw na nagdadala ng liwanag sa paligid.
May nakakasilaw na nakahambalang sa aking paningin.
Naguguluhan ako dahil sa makipot kong pang-unawa,
kaligayahan sa ilalim ng araw?
May pakialam ba talaga ako?
Hindi magtatagal ang kaligayang nadarama niyo,
Dahil nagbabago ang araw
… tulad natin.


15 Hunyo 2010

Miserable


Bakit ako pa
Ang dumanas ng ganito
Bakit ako pa
Hindi ko maipakita
Hindi niyo ba alam na umiiiyak ako?
Wala ba kayong malasakit sa akin?
Ikinulong ko ang sarili ko sa banyo
Walang papapasukin na kahit sino
Pagkatapos ay nakita ko
Napakatalas, kumikinang
Tulungan niyo ako
Pakawalan niyo ako
Gusto kong maging malaya

Hinawakan ko ito ng mahigpit
Itinutok sa aking pulso
Gagawin ko ito
Pikit ang mga mata
Bilang ng isa hanggang lima
Masakit
Kumawala
Nararamdaman ko tumutulo
Nakita ko hindi malalim, pero ayos na
Naramdaman ko
Nalaman ko na totoo
Malaya na ako
Hindi ako nasaktan
Kahit konti
Umupo ako
Isa pa
Nag-iisip, tulala
Ano itong nagawa ko
Medyo napangiwi ako
Naluha
Dumaloy sa king pulso
Makirot, mahapdi
Ang sakit
Napakabagal
Tumayo ako at tinitigan ang pangit kong mukha
Sa salamin
Napasigaw ako
SINO ANG MAGKAKAGUSTO SA AKIN?
Tatapusin ko na ang pagkakamaling ito
Tama ako ay isang pagkakamali
Sawa na ako sa buhay na ito
Naisip ko ang ilang minutong sakit o ang habang buhay
Ang huling mga kataga ko?
Paalam, salamat sa mga pasakit at sama ng loob.



15 Hunyo 2010

Monday, June 14, 2010

Sakal



Nakiisa si Huwan
Sa hinagpis ng mamamayan
Sigaw ng kalayaan
Tanikala sa lalamunan.



12 Hunyo 2010

Friday, June 11, 2010

Sa Huling Sandali


Kung parurusahan Niya tayo sa bawat kasalanan na ating nagawa,
Iiyak at maghihinagpis ang sanlibutan.

Sa Kanyang paningin, ang talas ng mga damo at bundok ay walang pinagkaiba,
Paminsan-minsan pinaparusahan Niya ang kalikasan at paminsan-minsan ibinabagsak Niya ang kanyang galit sa mga damo.

Nang dahil sa ating kasakiman, ang daigdig ay natatakpan ng maiitim na ulap
At ang Haring Araw ay nagtatago na sa likod ng buwan.

Kahit na sa likod ng busilak at malinis na kasuotan, hindi naitatago ang iyong pagkamakasarili
At sa Kanyang paningin, dumi sa iyong balat ay hindi na maitago pa.

Panginoon, patawarin mo ako! Iiyak ako sa bawat gabing magdaan,
para lamang muling bumangon ang mga luntiang damo sa ilalim ng maiitim na ulap.

At kung iiwan mo ako, iiyak ako hanggang sa bumaha ng luha.
Saan ka man magtungo, patuloy ang pag-ulan..

Sa oras na dumating ka, kamatayan ang makikita sa iyong mga mata,
Sino sa amin ang matibay ang paninindigan na haharap sa iyo at makapagsinungaling?


00:20 11 Hunyo 2010

Sunday, June 6, 2010

Walang Pamagat


Sa wakas nagkaniig din ang ating mga katawan.
Hindi mo inaasahan na mangyayari ito sa atin, di ba?
Ako din.
Hindi ko ito makakalimutan.


5 Hunyo 2010

Lapis



Nag-iisip ako ng maisusulat habang nakaupo sa isang coffeeshop.
Ano ba ang gusto kong isulat?
Wala akong maisip.
Napagod na yata ang utak ko sa kaiisip dahil sa trabaho.
Susubukan ko ng isulat ang unang mga salita ng may isang nagmamadaling lalaki ang lumapit sa akin.
Ang sabi niya, “ Pahiram ng lapis.”
May hawak siyang envelope.
“Lalagyan ko lang ito ng address.”
Kinuha niya ang lapis sa kamay ko at isinulat ang address.
Talagang siryoso siya.
Gamit na niya ang lapis ko.


5 Hunyo 2010

Saturday, June 5, 2010

4:00 AM, August 1



Kumukuringring ang aking telepono, madaling araw, kasarapan ng tulog
ngunit hindi ko ito sinagot.
Kumuringring pa ito ng ilang beses na para bang sinaniban ng kaluluwa ng butangera kong landlady.
RING! RING! RING! RING! RING! RING!
Nakakabulahaw.
Putang-ina! Magpatulog ka!
Alam kong hindi dumarating sa alanganing oras ang isang magandang balita kaya hindi ko ito sinagot.
Pinabayaan ko.
Tama ang hinala ko.
Isang kakilala ang tumatawag at gusto lang ibalita na patay na si Cory.


1 Agosto 2009

Friday, June 4, 2010

Isang Daang Piso, Buenavista, Pag-ibig




Hindi kita mabura sa aking isipan
kaya sumakay ako ng bus.
Namasahe ako ng 100.00
at nakisuyo pa sa driver na ibaba niya ako sa Buenavista,
bago ko napagtantong iniwan mo na pala ako.


4 Hunyo 2010

Romeo at Julieta



Kung iaalay mo ang buhay mo para sa akin,
Buhay ko’y iaalay din para sa iyo

At ang libingan nating dalawa ay parang dalawang nagmamahalan
Na naglalaba ng kanilang mga damit sa batis.

Kung dadalhin mo ang detergent soap,
Ako ng magdadala ng pang bleach.


4 Hunyo 2010

Sunday, May 16, 2010

Isang Araw sa Istasyon ng Bus (Isang Kapraningan)



Hindi ko alam eh.

Pero may nakita akong paalis kanina limang minuto na ang nakakaraan. Hindi ko lang sigurado kung saan patungo. Saan ba ang punta mo?

Ilang oras ba ang biyahe papunta roon?

Matagal pala.

Hindi.

Taga roon ka ba? Bakasyon?

Hmm.. buti ka pa.

Ako? Ahh.. dito lang palipas ng oras. Pero depende.
Mukhang hindi ka na babalik ah. Ang dami mong dalang gamit.

Ganoon talaga. May sinusuwerte, may minamalas. Sapalaran ang buhay.
Gaano ka ba katagal naglagi dito?

Tagal din ah. May pamilya ka ba?

O, bakit hindi mo sila kasama?

Ah.. sorry, sorry. Pasensiya ka na masyado akong matanong.

Kilala mo ba kung sino yung sinamahan niya?

Ganoon ba? Sa dinami-dami ng tao doon pa siya sumama.
Mahirap talaga magtiwala sa mga tao ngayon.

Matagal na ba nilang ginagawa yon?

Ganoon katagal? Wala ka man lang bang napansin sa mga kilos nila?

Bakit pumayag kang isama niya ang anak niyo?

Tsk. Tsk. Tsk. Ang saklap pala ng sinapit mo.

Ganoon talaga ang buhay. Akala mo kontrolado mo? Hindi pala. Kahit gaano ka kasinop. Kahit ginagawa mo na ang lahat upang gumanda ang buhay mo, sa isang iglap mawawala lahat yan sa iyo ng hindi mo alam. Biglaan. Para kang pinagnakawan sa kalagitnaan ng gabi. Walang silbi ang buhay. Nagpapakahirap ka para saan, kung kukunin lang din sa iyo. Kung sisirain lang din. At kung magtatagumpay ka, maisasama mo ba lahat sa hukay? Paggising mo sa umaga, iisipin mo kung ano ang gagawin mo sa maghapon, sa trabaho. Pero bakit mo pa iisipin kung araw-araw mo naman itong ginagawa. Bakit may bago ba? May pagpipilian ka ba? Bakit ka ba nandito? Ano ang halaga mo dito? Sa tingin mo? Sa tingin mo may pupuntahan ako dahil may dala akong bagahe?
Wala.
Hindi ko nga alam kung saan ako papadparin.
Bahala na. Minsan mahirap na ring magpasya para sa kanyang sarili ang tao.
May isa akong kakilala, pinatay ng militar ang kanyang kapatid na nag-aaral dito. Nagbakasyon lang sa kanilang probinsiya nang mapagkamalan daw na rebelde. Sumumpa ang kakilala ko na ipaghihiganti niya ang kanyang kapatid. Kaya gusto niyang sumapi sa mga rebelde upang maghiganti ngunit hindi niya ito magawa dahil sa kanyang ina. Nag-aalala siya na baka magkasakit sa labis na pag-aalala at kalungkutan ang kanyang ina kapag iniwan niya ito at kung sakali mang may masamang mangyari sa kanyang pagsama sa mga rebelde baka hindi rin makayanan ng ina at tuluyan na itong mamatay. Ngunit paano naman ang kanyang sinumpaan sa namatay na kapatid? Hindi niya ngayon alam ang kanyang gagawin kaya humingi siya ng payo sa isang nakatatanda at alam mo ba ang ipinayo sa kanya?
“Sundin mo kung ano sa tingin mo ang mas matimbang sa iyo.” Paano mo ngayon malalaman kung ano ang mas matimbang? Ang pagsama sa mga rebelde at maipaghiganti ang kapatid o ang inang nagdurusa? Nakita mo? Paano mo susukatin? Pwede mo bang sabihin na ganito katimbang ang isang bagay? Isang dangkal? Isang dipa? Isang metro? Sasabihin mo, “Ganito ka kahalaga sa akin.” Ang pagpapahalaga mo ba sa isang bagay ay idadaan mo sa isang sukat? Paano nasusukat ang pagpapahalaga o halimbawa, ang pagmamahal? Nakita mo ba ang ibig kong sabihin? Magpapasya ka dahil sa isang dangkal, isang metro? Meron ka bang sariling pagpapasya? At sino ang magpapasya para sa iyo? Ano sa tingin mo?
Hmm…

Ah, yan na ba yung sakay mo?

Sige, goodluck! Ingat sa biyahe!

(Napraning ko yata siya.. tsk, tsk, tsk.)



Halaw ang larawan sa: http://photos.worldwanderings.net/2008/08/img_8835.jpg

Monday, May 10, 2010

Ang Biro



Excuse me. Pwede ko bang mahiram ang lighter mo? Thank you. Kapag ganitong madalang ang tao tinatamad nang mag-ikot ang mga waiter dito. Kailangan mo pang magpunta sa bar para kumuha ulit ng maiinom. Ang maganda lang sa lugar na ito, tahimik. Pumupunta ako dito kapag kailangan kong mag-isip katulad ngayon. Pero siyempre open ako sa mga conversation lalo na kung interesante ang pag-uusapan. Huwag lang politika. Ipaubaya na natin yun sa kanila. Hahaha. Mukhang napangiti ka noong banggitin ko ang pulitika. Kung tatanungin kita kung bakit, baka mapunta nga sa pulitika ang usapan kaya huwag na lang. By the way, Angelo pare. Angelo Roxas. Nice meeting you. Madalas ka ba rito? Mukhang nag-iisa ka, do you mind kung umupo ako diyan sa couch mo? Uummph.. phew. Maraming salamat. Sure ka pare? Okey lang sa iyo. Baka naiintrude kita. Good. Toast natin ‘to, pare… to a good life.. hahaha. So, anong ginagawa mo? I mean… alam mo na. Ah, okey. Nice job. Interesting. So you get to meet a lot of people in different places. You’re staying here for the night? Good. Night Place. Ako? Arrggh.. isa akong abogado. Hindi ba halata? Well sabi nila, isa sa mga advantage ko sa mga kalaban. Dahil bata, ina-under estimate nila. Kaya pagdating sa huli, akin ang huling halakhak. Ah, oo, given yun sa trabaho. Lahat naman, kahit byung sa iyo. Pero hindi dahil sa kaso kaya ako narito ngayon. Mas higit pa ang dahilan kesa sa pinakakomplikadong kaso na hinawakan ko kaya ako narito. Kailangan kong mag-isip, kung pwede maglaho, tumakas.. hehehe. Ikaw, mukhang masaya ka sa ginagawa mo? Tama ka diyan. The bottom line is dapat masaya ka sa ginagawa mo. Kung hindi ka na masaya bakit mo pa ito ginagawa, di ba? Mukhang wala ka ng iniinom. Ano bang sa iyo? It’s on me. Akong bahala. Sandali lang.

Mabagal talaga sila ngayon. Kulang na lang umupo sila sa trabaho pero noong marinig ng bartender kung ano yung hinihingi ko, bigla siyang nagbuhayan.. hahaha. Okey lang ba sa iyo ito? Johhny Walker Blue. Yes, that’s right. A blend of the very rarest whiskies, the most acclaimed and exclusive Scotch Whisky in the world. Okey ah, you know your thing. I hope hindi ka nagmamadali. Wala bang naghihintay sa iyo sa room mo? Di ba, yung mga iba sa field na yan may mga ganoon? Ah.. okey, you’re straight. Ako? Hmm.. meron paminsan-minsan. Hahahaha. Bakit hindi? Ang totoo kaya ako narito isa yan sa dahilan. Pero hindi dahil sa puso, huh? Hahaha.. Parang hindi bagay sa atin yun. I’ve seen things more complicated than that. Honestly, it’s more complicated than you think. Ganito kasi yan. Umm.. cigarette? Sandali, wala na rin pala akong sigarilyo. Waiter? Laking bahay-ampunan ako. Nakita daw ako sabi ng mga madre na balot na balot ng lampin. Sa pintuan ng bahay-ampunan twenty-nine years ago at maliban sa lampin, ang tanging iniwan sa akin ng aking ina ay isang kuwintas na silver na may pendant na angel na hanggang ngayon ay nasa akin at nakatago. May nakaukit na initials sa likod nito. MA. Siguro, initials ng nanay ko. Oo, ginawa ko yun. Iilan lang ang may initials na ganoon dito at negative lahat. Balik tayo, pinag-aral ako ng mga madre na itinuring kong mga nanay, nagsikap at nagtiyaga hanggang sa makatapos ng high school. Sixteen years old ako noong may kumupkop sa akin na mag-asawa. Palibhasa honor student ako mula grade school kaya nagkainterest sila sa akin. Wala silang anak kaya napagpasyahan nilang ampunin ako at itinuring nila akong tunay na anak. Napakasuwerte ko dahil ako ang napili nila sa dinami-dami namin sa bahay-ampunan. Mayaman ang mag-asawa. Maraming negosyo at ako lahat ang magmamana pagdating ng araw. Pinag-aral nila ako sa mga mamahaling unibersidad dito at sa labas ng bansa. Bilang ganti sa kabutihan, pinagpahinga ko sila at ako ang nagpatakbo sa mga negosyo ng makatapos ako. Tuwang-tuwa sila dahil lumago ang kompanya sa pamumuno ko. Tatlong taon na ang nakakaraan mula noong ibalik ko ang pamumuno sa nakagisnan kong ama upang magpractice ako privately. Simula noon sunod-sunod na ang nahawakan ko na mga kaso at suwerte naman dahil hanggang ngayon hindi pa ako nakakatikim ng pagkatalo. Oo, mahirap. Pero nawawala lahat ang pagod kapag naipanalo mo ang iyong kaso. Walong buwan na ang nakakaraan nang makilala ko si Madeline. Isang negosyante. Ako ang tumatayong abogado ng kanyang kompanya. After a few months, yung relationship na strictly business ay nauwi sa mas malalim na relasyon. I mean she’s wonderful. A successful businesswoman. Masarap kasama. Malambing. Maasikaso. You name it. At her age? Ilan ba, forty-three? Yet still sexually active. Sa ganda at katawan hindi mo akakalain na she’s past forty. May problem actually started here. Ah, okey sige, go on.

Alam mo pare habang na sa CR ka, I was thinking kung tama ba na ikuwento ko sa iyo ito.. but I decided, what the hell. Ituloy natin, minsan mas masarap makipagkuwentuhan sa mga bagong kakilala at kaibigan. New opinions. A week ago, I was about to ride sa sasakyan ko na nakapark sa basement ng building where my office is located nang may lumapit sa akin na isang lalaki. Sa itsura at amoy niya, ay obviously nakainom siya. Kinonfront niya ako at he was saying something about Madeline. Nagkaroon kami ng mainit na pagtatalo then all of a sudden may kinuha siya sa kanyang sasakyan na nakapark sa tapat ng sasakyan ko. Knife pare. Yung gamit ng mga military. He attacked me. Nasangga ko yung unday niya at nagpambuno kami sa knife. Next thing was, hindi ko alam kung swerte o malas on my part, nasaksak ko siya sa dibdib. Ang bilis ng pangyayari. Lethal yung tama niya. Namatay siya right there. Lumingon-lingon ako sa paligid kung may nakakita sa amin. Wala. Mabuti na lang walang CCTV. Linabas ko ang kotse ko sa parking slot na yun at ipinalit ko ang sasakyan niya at bago ako umalis doon I made sure na walang ebidensiyang magdidiin sa akin. Just a small sign, may dent sa door ng kotse ko. I remember, bumangga kaming dalawa doon. Until now, eto ako scot-free sa krimen na nagawa ko. Two days after that incident, niyaya ako ni Madeline na umattend sa burol ng isang kaibigan daw niya. Napansin ko, she was so upset or something. Yes, kung ano yung iniiisip mo ngayon yun din yung unang pumasok sa isip ko noon. Remember, the guy who assaulted me was saying something about Madeline, right? So kilala ni Madeline yung guy. Sabi ko, this is going to be a mess. Napaisip ka ano? And you are actually talking to a murderer. I know, I am incriminating myself.. the hell with it. Putang-ina.. pare. Kapag narinig mo na lahat mamaya ang buong kuwento ko, then you can decide. As for me, sa ngayon? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. So balik tayo, sinamahan ko si Madeline. Totoo nga ang aking hinala. Siya ang nasa kabaong. Fuck! Nakipaglamay ako sa burol ng taong pinatay ko. Saan ka pa makakakita ng taong katulad ko? I was uncomfortable, pinagpawisan ako ng malamig. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko during that time. I was upset. Madeline was upset. Hanggang sa makauwi kami sa bahay niya. I decided to stay there for the night to comfort her kahit na hindi ko pa alam ang relasyon nila ng namatay. Gusto ko siyang tanungin kaya lang I decided not to until okey na siya sa tingin ko. So we had dinner, light lang. After that we had a couple of glass of wine. Yes, she was beginning to relax after that. Nag-usap kami tungkol sa ilang bagay. After a time, the usual warmth was there. We touch and kiss each other hanggang sa matangay kami sa isa’t-isa, give comfort, tulad ng ibang gabing magkasama kami, muling naming pinagsaluhan yung sinasabi nilang.. well, alam mo na. The feeling was nice, naramdaman ko na nagsettle na rin siya. Oo. Tama ka, medyo nakalimutan na niya yung concern. So habang nasa kama kami, nagsimula siyang magkuwento tungkol sa ilang bagay sa buhay niya na hindi ko alam. I mean hindi ako nag-uusisa sa mga buhay ng mga nakakarelasyon ko. Bahala silang mag-open sa akin. So nagkuwento siya, bumalik siya sa buhay niya twenty-nine years ago. Galing daw siya sa isang simpleng pamilya. Hindi mayaman, hindi rin masasabing mahirap. Fourteen years old siya noong makipagboyfriend at sa malas ay nabuntis. Dahil pareho silang menor de edad ng lalaking nakabuntis sa kanya, pinaghiwalay sila ng kanilang mga magulang at pagkatapos ng ilang buwan, ipinanganak ni Madeline ang isang sanggol na lalaki. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang, nakikipagkita pa rin siya ng kanyang boyfriend. Oo, na nakabuntis sa kanya. Meron daw silang napagkasunduan. Ang makatapos ng pag-aaral kaya nagpasya silang dalawa na umalis. Pupunta sa ibang lugar. At bago daw sila umalis, iniwan nila ang anak nila sa kapatid ng lalaki. Pagkaraan ng ilang araw, nalaman nila na ipinamigay daw ang kanilang anak. Hindi na raw nila nalaman kung kanino ipinamigay dahil hindi na nila muling nakita pa ang taong iyon. Noon ko lang nalaman na may anak pala si Madeline. It’s not a big deal sa akin, really. At alam mo ba pare? Ang lalaking nadisgrasya ko last week ay walang iba kundi ang boyfriend niya noon at ama ng anak ni Madeline. Ariel daw ang pangalan noong lalaki. At ang matindi, alam mo ba? Putang-ina bumaliktad ang aking sikmura sa huling sinabi ni Madeline. Ang tanging palatandaan daw na iniwan sa kanyang anak bago ito ipinamigay ay ang ibinigay niyang kuwintas sa anak. Ang kuwintas ay isang silver, may pendant na angel at may initials na MA. Madeline. Ariel. Shit!!! Putang-ina pare! Ang kuwintas na iyon ay walang pinagkaiba sa kuwintas na nakatago sa vault ko. Ang kuwintas na iyon ay nakasabit daw sa leeg ko noong makita ako ng mga madre sa may pintuan ng bahay-ampunan twenty-nine years ago. Ang kuwintas na galing sa nanay ko. Nanlamig ako pare. Bumangon ako mula sa kama. Gusto kong maduwal. Hindi ko ipinahalata kay Madeline ang aking reaction sa mga nalaman ko. Pumasok ako ng banyo. Nanlambot ako. Parang bumigay lahat ng buto ko sa katawan. Tulala ako habang pilit kong inuulit sa aking isipan ang mga sinabi ni Madeline. Doon ko narealize na pinatay ko ang father ko at ang nakakasuka, I’ve been making love with my mother. Ahhh…shit! This is unforgivable! Ngayon pare, husgahan mo ako! Magsalita ka! Pumunta ka sa police, ireport mo ako, I don’t care. Walang kapatawaran ang mga nagawa ko. Pare, pinaglaruan ako ng tadhana. Putang-ina! Kahit lumaki akong walang mga magulang, inayos ko ang buhay ko. Three days na akong hindi nakikipagkita kay Madeline. Iniwan ko ang bahay ko upang hindi na kami magkita at wala siyang ideya kung nasan ako. I want to spare her with all this madness. Naaawa ako sa kanya, baka hindi niya makayanan. Kailangan kong magbayad. Ang baril sa ibabaw ng mesa ko ay ilang gabi na ring naghihintay na damputin ko siya. Masisiyahan siya ngayong gabi pag-uwi ko. At sa iyo pare ko, maraming salamat sa panahon mo. Ah, hindi. No worries pare, okey lang ako. Salamat.


10 Mayo 2010

Thursday, May 6, 2010

Opismeyt



Umaga.
Trabaho.
Papasok sa opisina.
Pagod sa biyahe ay tuluyang naglaho.
Si Jerry na kaopisina,
Nagtrip sa kanyang mesa.
Alas-diyes ng umaga, wala ng magawa.
Itinaas ang hawak na cellphone, sarili’y pinagkukunan ng litrato.
Sa kanya nalibang ako at lihim na natawa.
Tutok dito, tutok doon. Ngisi dito, kindat doon. Walang pakialam sa mga kasama sa paligid niya.
Hindi pa nakuntento, peace sign sa mga daliri ibinandila, kasabay ng pagpungay ng kanyang mga mata.
Nakakatawa, nakakaawa. “Anong trip niya?”
Hindi na naghintay para kunan siya ng iba.
Ilan sa inyo ang katulad niya?


06 Mayo 2010

Thursday, April 22, 2010

Anguish Brings Us Together (Ondoy Tragedy)



Once more the forces of nature, the vagueness of science, and the absurdity of existence had taken its toll upon our land. Once again, suffering and death have dawned upon us. There is a great sorrow in all of us. This is nothing new. This happens every time in our streets, our cities, our homes. There is a reason to it: human ignorance, carelessness and complacency.



While our hearts are filled with grief, let us reach out in any way we can to help those who are helpless and in need. We are one nation and one consciousness. There is no person or God causing this tragedy except the power of nature itself in complete randomness. Now is the time to pray for recovery, to help and to heal and to realize that there is no creed, ideology, or politics that separate us: we are one.



No matter when or where a calamity may strike, let us know without any doubt, that existence continues, that life will go on, with us or without us. Let us come to enjoy every moment we have and live that moment fully, honestly, love and in certainty. That is all we must do; that is our only obligation to one another. Live this moment now and be the best we can be, in whatever we do, as if it is our last moment.

May our gentleness dawn upon all minds still filled with suffering and confusion. May those who suffered soon find peace and joy.

13 October 2009

Friday, April 9, 2010

Ang Huling Sandali



Ilang minuto bago mag alas-siyete ng umaga ng magising si Cherry Anne, dalawamput-tatlong taong gulang, dalaga at isang Advertising Sales Agent, mula sa mahaba at mahimbing na pagtulog. Makailang ulit ding kumuringring ang kanyang alarm clock bago siya nagpasyang gumising na. Mabuti na lang at maagang pumapasok sa trabaho ang kanyang roommate na si Cynthia kaya kahit paulit-ulit na nag-iingay ang kanyang alarm clock, walang maaabalang tao. Naghikab siya, nag-inat at pagkatapos ay tuluyan ng idinilat ang kanyang mga mata. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit nanatili siyang nakahiga nang hindi man lang kumikilos at nakatitig sa kisame, tila sinasariwa pa ang mga nagdaang mga araw. Parang hindi pa niya matiyak kung gising na ba talaga siya o nananaginip pa sa kanyang pagtulog. Pagkaraan ng ilang minuto, bumangon na rin ng tuluyan si Cherry Anne, umupo sa harapan ng malaking salamin at nagsuklay ng kanyang buhok habang pinagmamasdan ang kanyang sarili. Napangiti siya. Ang ganda ng kanyang gising. Nakapagpahinga siya ng maayos. Pagkatapos ng ilang saglit, tumuloy na si Cherry Anne sa banyo upang maligo, inabot din siya roon ng kalahating oras at kalahating oras ulit ang kanyang gugugulin para naman sa kanyang pagbibihis at pag-aayos sa sarili. Araw-araw sa loob ng tatlong taon, tuwing umaga, ganito na ang kanyang routine ngunit para sa kanya iba ang araw na ito, napakagaan ng kanyang pakiramdam, napapakanta siya, nababanaag ang saya sa kanyang mukha, excited siyang pumasok sa opisina, bakit nga naman hindi, ilang araw palang kasi ang nakakalipas ng tanggapin ng isang malaking food processing company ang kanyang advertising proposal. Sa susunod na mga araw ay magsisimula na sila sa kanilang bagong proyekto para dito. Ang lahat sa opisina nila ay natutuwa sa kanyang tagumpay, ito na ang pinakamalaking proyekto nila sa loob ng tatlong taon. Maganda rin ang panahon ng lumabas ng bahay si Cherry Anne pagkatapos niyang mag-almusal. Kulay asul ang kalangitan. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Nakiayon sa kanya ang panahon. Ang mga alagang ibon ng kapitbahay ay nagsisipag-awitan. Napangiti siya. Naglakad si Cherry Anne patungo sa sakayan ng taxi nang madaanan niya sa tindahan sa kanto ang istambay na si Rolly. “Hi Cherry Anne, ang ganda mo naman sa araw na ‘to.” sabi ng istambay na sinabayan pa niya ng kindat. “Hatid na kita.” Isang ngiti ang iginanti ni Cherry Anne sa preskong istambay na siyang ipinagtaka nito at napakamot pa siya ulo dahil ngayon lang siya nginitian ni Cherry Anne. Laging kasing nakairap at nakasimangot si Cherry Anne kapag nakikita na niya ang istambay na walang ginawa kundi asarin siya araw-araw tuwing napapadaan siya sa kanto. Malayo na si Cherry Anne ay nakatanaw pa rin sa kanya ang napapailing na si Rolly.

“Good Morning Ma’am!” bati sa kanya ng kanilang security guard pagpasok niya ng kanilang opisina. "Hi Manong! Kumusta?" magiliw na sagot ni Cherry Anne. Tumuloy na siya sa pantry pagkatapos niyang kunin sa drawer ang kanyang sariling tasa at kinargahan ito ng brewed coffee. Nagsisimula ang kanyang araw sa pamamagitan ng pag-inom ng kape habang isa-isa niyang binabasa ang kanyang mga emails at pagkatapos niyang sagutin ang ilan sa mga ito, siya ay nagtungo sa tanggapan ng Advertising Manager upang ikonsulta ang ilan sa kanyang mga promotional plans para sa iba pang proyekto na malugod namang inaprubahan ang ilan sa mga ito ng kanyang boss. Pagbalik niya sa kanyang mesa, may napansin siyang isang kuwadradong sobre, binuksan niya ito at siya ay napangiti, galing ito kay Jon, ang kanyang kaopisina na may espesyal na pagtingin sa kanya, ipinapaabot niya ang kanyang pagbati sa kanyang bagong proyekto. Dinampot ni Cherry Anne ang kanyang telepono at idinayal ang numero sa mesa ni Jon upang magpasalamat at kaagad din niyang ibinaba ang telepono makalipas ang ilang saglit. Matagal na ring nagpaparamdam si Jon sa kanya ngunit hindi niya ito binibigyan ng pansin dahil nakalaan na sa iba ang kanyang puso. Muling itinuon ni Cherry Anne ang kanyang sarili sa trabaho, kailangan kasing niyang maghanda ng bagong presentasyon para sa mga bago nilang kliyente, nalibang si Cherry Anne sa kanyang ginagawa, hindi na niya napansin na lunch break na pala kung hindi pa siya dinaanan ni Cathy, ang kaibigan niya sa Accounting Department.

“Tara girl, baba na tayo.” yaya nito kay Cherry Anne. “Break ka naman, baka mamaya sa iyo na itong kompanya.”

“Hindi girl, may tinatapos lang ako. Sige tara na.”

“Grabe girl, ang galing mo talaga. Pinag-uusapan ka ngayon sa office. Biruin mo nakuha mo yung malaking account na yon.” Sabi ni Cathy habang pababa sila sakay ng elevator. “Ikaw ang magpapayaman sa kompanya.”

“Hindi naman.” sabi ni Cherry Anne sa kaibigan bilang pagpapakumbaba niya. “Sinuwerte lang, bunga ng paghihirap na rin.”

Pagkalipas ng isang oras na break, muling bumalik sa trabaho si Cherry Anne. Dinampot ang telepono habang hawak sa isang kamay ang isang makapal na notebook na naglalaman ng ilang numero ng mga posibleng maging kliyente niya. Isa-isa niya itong tinawagan at inialok ang kanilang advertising services. Napasigaw pa siya ng malakas na “Yes!” ng ilan sa mga tawag na ito ay nagging positibo ang resulta, nakipagset siya ng meetings upang ipresent ang kanyang promotional plans para sa mga ito. Isinulat niya sa hawak na notebook ang mga petsa kung kailan ang appointment. Natuwa si Cherry Anne, lalo siyang gaganahan sa trabaho dahil dito. Muli siyang humarap sa kanyang computer at bago magsimula, nag-inat muna siya, minasahe ng konti ang kanyang mga balikat, pinaikot-ikot ang kanyang leeg upang marelax ng konti. Tumingin siya sa kanyang pambisig na orasan, sampung minuto makalipas ang alas dos ang nakasaad. Tatayo sana siya upang kumuha ng kape sa pantry nang siya namang daan ni Jon sa kanyang cubicle, iniabot sa kanya ang isa sa mga dala niyang mug na may lamang kape. Nakangiting tinanggap ni Cherry Anne ang kape na ibinigay sa kanya. “Thanks Jon!”

“Your welcome! sagot ni Jon. “Goodluck on your new project. Pinapahanga mo ako lalo.” dugtong pa niya at saka bumalik sa kanyang sariling cubicle. Humigop ng ilang beses sa mug si Cherry Anne bago inihanda ang kanyang mga gamit. Maaga siyang lalabas ngayon sa opisina dahil may dadaluhan siyang isang industry trade show, kailangan niyang kumalap ng inpormasyon mula sa mga iba’t-ibang kompanya na kasali sa trade show, mahalaga ding maipromote ang kanilang produkto at palawakin pa ang kanyang mga contacts. Bago lumabas ng opisina si Cherry Anne, nakaugalian na rin niyang magbasa muli ng kanyang mga emails. Inuna muna ang mga business mails at sinagot ang ilan, pagkatapos ay binasa naman ang mga pangpersonal. Isa sa mga email address ay hindi pamilyar sa kanya, nalaman niyang nagmula ito sa Qatar ng makita niya ang pangalan ng kanyang kasintahan na tatlong taon ng nagtratrabaho roon at sa isang buwan ay uuwi na, pagkatapos ng tatlong taong walang bakasyon. Inaasam-asam na ni Cherry Anne ang pag-uwi ng kanyang kasintahan ng anim na taon. Ngunit nagbago ang timpla ng mukha ni Cherry Anne pagkatapos niyang mabasa ang email. Nawala ang aliwalas, nagsalubong ang kanyang mga kilay, kumunot ang noo, nangilid ang kanyang mga luha at ilang sandali lang ay tuluyan ng napahagulgol na pilit na ikinubli upang hindi mapansin ng mga kaopisina. Paulit-ulit na binabasa ang email na para bang ibang salita ito na hindi niya maintindihan. Napapailing si Cherry Anne, nanikip ang kanyang dibdib, halos hindi siya makahinga sa balitang tinanggap. Inabot niya ang panyo mula sa kanyang bag at nang matiyak na tuyo na ang kanyang mga mata ay saka pinatay ang kanyang computer, nagswipe palabas at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng kanilang opisina.

Mapapansin na tulala si Cherry Anne habang nasa daan patungo sa trade show na pupuntahan, napakalalim ng iniisip, parang wala sa sarili. Inilabas niya ang kanyang cellphone at may idinayal na numero. Paulit-ulit niya itong tinatawagan ngunit walang sumasagot. Nagulat pa siya ng sabihin ng driver ng taxi na naroon na sila sa lugar pupuntahan niya. Wala sa sariling inabutan niya ang driver ng pamasahe, ni hindi na niya nagawang kunin ang kanyang sukli. Napakaraming tao sa loob ng trade show, siksikan sa ilang lugar. Nakaramdam si Cherry Anne ng pagkahilo, muntik na siyang mabuwal kung hindi siya nakakapit sa poste ng isang booth. Naglaglagan ang mga dala niyang mga papeles. Isa-isa niya itong dinampot at pagkatapos ay hinanap ang exit. Nanlalambot si Cherry Anne kaya nagpasiya siyang umuwi na lamang. Alas-siyete ng gabi ng dumating si Cynthia sa bahay, pagkatapos dalhin sa kusina ang mga dala-dala niyang groserya, tumuloy na siya sa kuwarto nila ni Cherry Anne. Nabigla ang lahat ng tao sa bahay ng marinig nila ang napakalakas na pagtili ni Cynthia. Nagmamadali ang lahat na nagtungo sa kuwarto at sila rin ay napasigaw sa kanilang nakita. Nakabigti mula sa kisame ang wala ng buhay na katawan ni Cherry Anne.

Wakas

09 Abril 2010

Tuesday, April 6, 2010

Sosyalera



Paalis ka na sana sa iyong boarding house upang makipagkita sa mga kaklase sa Mall of Asia,
Nang mapansin mo na nawawala sa iyong bag ang iyong bagong cellphone E72 Nokia.
Mistula kang binuhusan ng malamig na tubig sa takot, nataranta.
Pinabili mo pa ito sa iyong mga magulang na magkano lang ang kinikita, na sa kanilang trabaho ay nagkakandakuba. Napakamahal na luho mo ay ibinigay kapalit ng pag-asang sa hirap ay iaahon mo sila.

Mahigit isang oras din ang lumipas bago mo ito muling nakita, ginulo at kinalampag mga kasama mo sa bahay, sa kanila ika’y naghinala. Makalat at burara, nahulog lang pala sa ilalim ng iyong kama. Dahil sa inis mo, nagmukha ka ng bilasang isda, ang makapal na kolorete mo sa mukha ay nabura.

Pagkasilid mo ng cellphone sa iyong bag, mainit ang ulo’t nagmamadaling umalis ng bahay, dahil ang mga kaklase mo sa Starbucks daw sa iyo kanina pa naghihintay.
Wala ka palang load kaya ang baba mo ay sumayad sa lupa, pati kilay mo ay hindi na magpantay.
Sa sari-sari store ikaw ay nagpaload ng trenta, pagkatapos ay sumakay sa dyip patungong MOA.

Pagdating sa Starbucks, medyo umaliwalas ang mukha, sa mga kaklase ikaw na ang bida.
Ang gara kasi ng iyong cellphone na kanina ay muntikan ng nawala.
Ang iyong suot na damit pang-itaas ay kinainggitan din nila,
Starbucks kasi ang nakatatak, ngayon lang nila nakita.
“Galing ba dito yan?” tanong ng isa sa kanila.
“Hindi.” pabulong na sagot mo, “Isang daang ang tatlo, binili ko pa sa Divisoria.”

Pagkatapos ng walang humpay na bese-beso at plastikan, nagkandahaba ang iyong leeg sa paghahanap ng magandang mauupuan.
Ang madla sa iyong isip dapat ika’y makita.
Tangan ang isang Frappuccino tatlong oras mong itinungga, dahilan upang makapaglagi ng matagal sa Starbucks kasama ang barkada,
Kaya lang bistado ka na nila, huwag ka ng magkaila. Isang kang mapagkunwari.
Sosyalera!


6 Abril 2010

Saturday, March 27, 2010

Jim Morrison's Words




Words dissemble, words be quick
Words resemble, walking sticks
Plant them, they will grow
Watch them waver so
I will always be a word man
Better than a blind man.

Sigarilyo



Binili mo ako sa tindahan habang ika’y napapakamot sa iyong makating puwit, patiwarik na itinaktak sa iyong palad, pinunit sa gilid at hinugot ang isa kong kapatid.
Inilapat mo siya sa iyong mga labi at kinagat ng walang patid. Ninamnam ang bango niyang may kasamang pait.

Kinapa mo sa bulsa ang posporo na nakaniig sa iyong nanlalagkit na singit, kulang na lang ito ay magputik. Hindi mo na napansin si Rizal na malungkot, may ngiting mapait.
Tangan ang palito at iyong ikiniskis, lumiyab ang apoy kasabay ng iyong paghitit.
Sa lalim ng paghinga, pisngi mo’y lumubog, sa baga dumikit, pumasok ang usok.
Hindi ka pa nakuntento pagkatapos mong ibuga, inulit mo pa ng ilang beses ang seremonya. Nang maubos ang una, kumuha ka pa ng isa, nasundan pa hanggang umabot sa lima.

Pagkaraan ng ilang saglit ika’y sinalsal na ng ubo.
Sapo ang kumikirot na dibdib at kinapos sa paghinga.
Nagpatuloy sa pag-ubo at nakaramdam ka ng pagkahilo,
Hanggang sa dumura ka ng namumuong dugo na nahalo sa nakakadiring plema.
Ano? Bisyo ay ipagpapatuloy pa ba?


xxx


25 Marso 2010

Sunday, March 21, 2010

Ang Nagsasalitang Hunyango


Noong isang linggo, si Alfonso ay lumapit sa akin at ibinulong na ang kanyang alagang aso ay nagsasalita. Nang dahil sa kanyang ibinalita sa akin, hindi na ako napakali, nag-aalala ako ng lubos dahil kilala ko si Alfonso mula pa noong pitong taong gulang palang kami, kilala ko din siya bilang matapat na kaibigan. Dahil sa nangyari iyon, ako ay tuluyang nagduda sa kanyang pundamental na pag-iisip.

Napagpasyahan ko na kung mawawala siya, ito ay makakabuti para sa mamamayan at sa pagkakaibigan na rin namin na unti-unti ng nasisira dahil sa estado ng kanyang pag-iisip. Nakatulog siya ng tinarakan ko ng iniksyon na may lamang tranquilizer ang kanyang leeg. Tulad ng aking inaasahan, hindi na siya gumising dahil sa lakas ng epekto ng gamot at tuluyan ng namaalam sa mundong kaylupit. Masusuri na ang aso ni Alfonso ngayong wala na siya. Tumawag ako sa klinika ng beterinaryo na kaibigan ng kumpare ng tatay ng kaibigan ko, nakausap ko ang masungit at bastos na sekretarya. Pinapapunta niya ako doon. Pagdating ko sa klinika, hindi ko nagustuhan ang hilatsa ng pagmumukha ng sekretarya kaya binaril ko siya sa mata at ngayong wala na ang sekretarya, wala na ring hahadlang pa sa pagitan namin ng aso.

Nagpunta ako sa bahay ni Alfonso, at pagpasok ko, sinalubong ako ng pusang kinulayan ng ibat-ibang kulay na akala mo ay buhok ng isang malantong, matandang biyuda na siyang nagdulot ng sakit sa king paningin kaya binaril ko din ito. Nagkalat amg laman at dugo sa loob ng bahay. Alam kong ligtas na ako dahil naglaho na ang putang-inang pusa. Dahan-dahan akong pumasok sa silid ni Alfonso upang hanapin ang aso. Wala sa silid ang aso. Nagtungo ako sa kusina, nang may nakita akong isang hunyango na maingay na ngumunguya ng mga gulay sa ibabaw ng mesa. Naaliw ako sa hunyango kaya pinabayaan ko na lang ito at dahan-dahan akong lumabas ng kusina.

Sa labas, hindi na maririnig ang ingay na gawa ng hunyango. Nang biglang may pumasok sa isip ko, akala niya hindi ko napansin. Muli akong sumilip sa loob ng kusina, wala na ang hunyango, hindi ko alam kung naglaho siya o natabunan ng mga gulay. Pumasok ako, hinanap ko ang pesteng hunyango, alam kong isa sa amin ang mamamatay, at kung ako iyon, isasama ko siya sa hukay. Binunot ko sa ang aking tagiliran ang nangingintab na 44 Magnum na dala ko, ito pinakamalakas na pistola sa buong mundo. Humanda sa duwelo.

Sa kasawiang-palad ko, ang hunyango ay nakapagsanay pala ng combat kaya hindi ko siya nagapi. Natalo ako sa duwelo habang ang hunyango ay walang kagalos-galos. Tumawag siya ng mga matatabang pulis, narinig ko na napakaamo ng kanyang boses. Napansin ko rin na kaboses niya si Alfonso.

Napag-alaman ko na ang nagsasalitang hunyango ay walang iba kundi ang alagang aso pala ni Alfonso. Pagdating ng mga pulis, ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari. Pinaniwalaan nila ang mga sinabi ko tungkol sa nagsasalitang hunyango ngunit binalaan nila ako.

Ilang sandali lang patungo na kami sa institusyon ng mga baliw.


Tapos!


21 Marso 2010



Halaw ang larawan sa:

Saturday, March 13, 2010

Pagsunod sa Tadhana



Sa dahilan na siya lang ang nakakaalam, ang manunulat ay naglagay ng mga tauhan na may mga plastic na mata sa kanyang kuwento. At kahit na bulag ang mga tauhan, maganda ang naging pananaw nila sa buhay. Sila ay nabubuhay ng masaya, masigla at puno ng pag-asa. Ang tanging hindi nakuntento ay si Rek L. Amador.

“Hoy Writer!“ sigaw ni Rek L. Amador habang nakatingala sa langit. “ Bakit mo kami binigyan ng mga plastic na mata?”

Hindi sumagot ang manunulat.

Ang reklamo ni Rek L. Amador ay naging paksa ng usapan sa pagitan nina Mae Pagalinlangan, Nani Niwala at Dina Ninie Wala.

“May paniwala ako na kaya tayo binigyan ng writer ng mga plastic na mata ay para pagkatiwalaan natin siya na gagabayan niya tayo.” sabi ni Nani Niwala.

“Hindi ako naniniwala sa existence ng writer,” sagot ni Dina Naniniwala. “Tumingin kayo sa paligid na parang nakakakita ngunit kahit isang chance ay wala. Napakaabsurd na ang isang writer ay magsusulat ng kuwentong puno ng mga taong plastic ang mga mata.”

“I doubt kung tototo bang may writer,” singit ni Mae Pagalinlangan. “Dahil sa ating mga plastic na mata, hindi natin siya nakikita. Ang existence niya ay isang misteryo.”

Si Rek L. Amador ay nikikinig sa usapan ng tatlo at muli na namang sumigaw sa itaas.
“Writer, nakikita mo ba kung ano ang ginawa mo sa amin? Ano ba ang nais mong ipaabot noong linagyan mo ng mga taong may plastic na mga mata ang kuwentong ito?”

Dahil dito, binura ng writer si Rek L. Amador sa kuwento bilang tugon sa tanong niya.

Pagkatapos ng nasaksihan, huminto na sila Nani Niwala, Dina Niniwala at Mae Pagalinlangan sa kanilang diskusyon. Muli silang nakihalubilo sa mga taong may mga plastic na mata na tulad nila.

At kahit hindi nakakakita, sila ay muling namuhay ng masaya, masigla at puno ng pag-asa.


Wakas!
xxx

16 Oktubre 2009

Saturday, March 6, 2010

Talaan ng mga Nababahalang Nilalang #2


Introduksiyon

Bawat isa sa atin ay may kinikipkip na takot o pangamba sa buhay. Maging tayo man ay babae o lalaki, bata o matanda, mayaman o mahirap, nakakaramdam rin tayo ng takot at pagkabalisa paminsan-minsan. Doon lang yata tayo nagkakapantay-pantay. May iba’t-ibang dahilan kung saan nagmumula ang takot o pangamba sa buhay natin: nariyan ang gutom, sakit, kamatayan, utang, kasalanan, pagkalugi sa negosyo, pagkabigo, pagkasawi, kawalan ng pag-asa, pag-iisa, pagtanda at maraming pang iba.

Ang seryeng ito ay para sa mga taong nababahala, balisa, nakakaramdam ng takot at pangamba sa kanilang buhay. Ito ang Talaan ng Mga Nababahalang Nilalang. Sasalaminin nito ang mga pangamba na nararamdaman ng bawat isa sa pang araw-araw na buhay.

Isang Umaga sa Buhay ni Robert

November 14
8:14 AM


… Now I want to tell you, gentleman, whether you care to hear it or not, why I could not even become an insect. I tell you solemnly that I wanted to become an insect many times. But I was not even worthy of that. I swear to you, gentleman, that to be hyperconscious is a disease, a real positive…

“Santolan Station, Santolan Station. Kindly take care of your belongings while inside the train...”

Shit!

Eto na naman! Kinakapos na naman ako ng hininga, pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Ang hirap lumunok, masakit sa lalamunan, tuyo, walang laway. Pero kahit masakit, gusto kong lumunok ng lumunok dahil kinakapos ako ng hininga at dahil tuyong-tuyo ang lalamunan ko, tikhim ako ng tikhim na para bang may sakit na ewan ko, di ako sure. Pero parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag tumitikhim ako. Para tuloy akong may sakit, naririnig ng mga katabi ko ang madalas kong pagtikhim, nakakahiya. Ano kaya ang diperensiya?

“Shaw Boulevard. Shaw Boulevard Station…”

Putang-inang lalaki to! Ano kayang tinitingin niya sa akin? Kung makatingin akala mo… May dumi ba ako sa mukha? Sa ulo? Nakalitaw ba ang mga balakubak ko? Kaliligo ko lang. Shit! Tumigil ka sa katitingin.

Saan na ba ako..? Ah, dito…

…disease. Ordinary human consciousness would be to much for man’s everyday needs, that is, half or a quarter of the amount which falls to the lot of a cultivated man of our unfortunate nineteenth century, especially one who has a particular misfortune to inhabit Petersburg, the most abstract and…

Putang-ina! Istorbo talaga! Bakit ganito ang nararamdaman ko lagi ilang minuto pagkatapos kong magkape ng barako? At ano naman ang iinumin ko sa umaga kasabay ng pandesal kundi kape lang dahil lagi akong nagmamadali sa pagpasok.

Putang-ina! Ito na nga lang bisyo ko, ganito pa nararamdaman ko. Mabuti pa ang alak, wala akong nararamdaman kapag nakakainom.

Fuck! Sumasakit din ang leeg ko, stiff neck ba to? Kanina ko lang naramdaman to, pagkagising ko.

“Boni Station, Boni Station. Kindly don’t block the…”

… am writing all this to show off, to be witty at the expense of man of action; and what is more, that out of ill-bred showing off, I am clanking a sword, like my officer. But, gentleman, who ever can pride himself…

Aray ko!

Fuck!


Kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko sa katawan. Putang-ina! Mamamatay na yata ako? Shit! Wala namang maagang namamatay sa mga Santos, si tatay nga seventy-nine years old na malakas pa rin. Kung sakali ako palang. Shit! Knock on wood.. walang kahoy. Pwede na tong bakal.

“Buendia Station. Buendia Station. Kindly allow the elders, …”

“Ayala! Pasong Tamo! Ayala!”

“Bayad ho!”

Aray ko!

Fuck!

Putang-ina! Dumidilim ang paningin ko. Mamamatay na yata ako, dito pa ako aabutan sa gitna ng Buendia. Napakaabsurd naman kapag dito ako namatay. Sino ang tutulong sa akin? Hindi man lang ako bibigyan ng marangal na kamatayan?

Aray ko!


Shit!

“Para ho! Sa tabi lang.”


Wakas




Halaw ang larawan sa: http://media.photobucket.com/image/mrt%20passenger%20pics/RonnieR_2008/MRT3ride.jpg

Monday, March 1, 2010

Isang Gabi ng Disyembre



Si Tomas ay isang masinop na tao. Organisado. Ang gusto niya ay maayos ang lahat ng bagay simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Sinisiguro niya na ang lahat ay nasa tamang kinalalagyan. Naniniwala siya na ang kinabukasan ng isang tao ay naaayos at napaghahandaan alinsunod sa kanyang kagustuhan. Naoorganisa at napaghahandaan ang kinabukasan at ang kasalukuyan sa pagiging handa sa lahat ng maaaring mangyari, masama man ito o mabuti. Bukas din siya sa mga posibilidad na maaaring may mangyari sa kanya na hindi maganda tulad ng pagkakasakit, aksidente o maging biktima ng isang krimen.

Ang huling nabanggit ay posibleng magyari kay Tomas dahil isang gabi sa isang linggo, nasa lansangan siya at naglalakad. At ngayong gabi, tulad ng mga nakaraang Lunes, hindi siya umuwi kaagad pagkagaling sa kanilang opisina. Siya ay tumuloy sa kabilang bahagi ng bayan kung saan naroon ang Sunshine Enterprise, Inc. Siya ang may hawak sa libro ng nasabing kompanya. Binabayaran siya ni Mr. Sy ng dalawang libong piso sa bawat gabing punta niya. Hindi na masama sa kanya ang dalawang libong piso sa tatlong oras na trabaho. Malaking tulong na ito sa kanilang budget sa bahay. Mapapaayos na niya ang nasira nilang telebisyon at may matitira pang pambili ng mga gamit ng kanyang dalawang anak na babae.

Sa bawat gabing punta niya dito, napag-aralan na ni Tomas ang kapaligiran. Kabisado na niya kung saan ang maliwanag at madilim na lugar sa paligid. Naniniguro siya sa kaligtasan ng kanyang kotse. Pinag-ipunan pa kasi nilang mag-asawa ang kanilang pinangbili dito at nasaid ang kanilang savings kaya napakahalaga sa kanya ang kotse. Dahil madilim sa paligid ng opisina kapag gabi, sa pangalawang kanto pa siya pumaparada kung saan maliwanag dahil sa nag-iisang ilaw ng poste na malapit sa main road. Kadalasan alas siyete ng gabi siya dumarating at umaalis naman mga bandang alas diyes at alas diyes y medya. Sa tingin niya, sa oras na alas diyes ng gabi, ang tanging mapanganib ay ang kanyang paglalakad mula sa pinanggalingan patungo sa ikalawang kanto kung saan naroon ang kanyang kotse.

Ngunit mayroon na siyang nakahandang plano kung sakali mang may gagawa sa kanya ng hindi maganda habang naglalakad at kasangkapan ang kanyang lumang brown bag na may sirang zipper. Matagal na niyang gamit ang bag na ito tuwing papasok siya sa trabaho ngunit wala siya nasa mataas na posisyon sa kanilang opisina upang mag-uwi ng mga papeles kaya nakakapanlinlang ang kanyang dalang bag. Ginagamit lang niya itong lalagyan ng kanyang baong pagkain at dahil Lunes ngayon kasama na rin ang kanyang hapunan. Dahil sa matagal ng plano at sa tingin niya epektibo ito, nakahanda na siya lagi sa maaaring mangyari. Kung sakali mang may magtangkang lumapit sa kanya at siya ay holdapin, ihahagis niya ang kanyang bag at sisigaw ng “Sa inyo na lang ito!”, at dahil sa nagloloko ang zipper, may oras siyang makakatakbo dahil matatagalan bago nila mabuksan ang bag. May nabalitaan siya noon na isang lalaki ang naghagis ng pera sa daan upang hindi siya habulin ng taong balak humoldap sa kanya. Malakas ang pananalig niya na hindi siya bibiguin ng kanyang bag.

Kaya ngayong gabi kampante siyang naglalakad sa kalsada patungo sa kanyang kotse. Maaliwalas ang lagay ng panahon. Tahimik ang paligid. Walang tao sa kalsada maliban sa kanya. Nakalampas na siya sa unang kanto ng walang aberya. Isang kanto pa mula sa kanyang kotse. Malikot pa rin ang kanyang mga mata, panay ang lingon niya sa kanyang paligid, tinitiyak na maayos ang lahat, ilang sandali na lang makakauwi na siya. Ngunit noong bente metro na lang ang layo niya sa kanyang kotse, parang nag-iba ang ihip ng hangin, kinabahan siya dahil may dalawang lalaking nakatayo sa tapat ng kanyang kotse, inaabangan siya. Nakajacket at nakasombrero ng itim pareho ang mga ito at mula sa kanyang pagkakatayo ay napansin niya na parang may hawak silang baril. Kinakabahan man, humanda siya sa mangyayari at sa plano. Tutuloy pa rin ba siya sa kanyang kotse o hihintayin niyang lumapit sila sa kanya. Huminto si Tomas sa kanyang paglalakad, nag-isip sandali ng gagawin, nag-ipon ng lakas at ibinato ang dalang bag sa kinaroroonan ng dalawang lalaki, sabay sigaw ng “Sa inyo na lang ito!” at buong lakas na kumaripas ng takbo. Hindi na siya lumingon pagkabato ng bag, alam niya dinampot na nila ito. Sino naman ang baliw na magnanakaw na hindi kukunin ang bag na ibinato sa kanila ng biktima. Ngunit sumablay ang kanyang plano at lahat ng kanyang inakala dahil pagkadampot sa bag na kanyang ihinagis, hinabol pa rin siya ng dalawang lalaki at naririnig na niya ngayon sa kanyang likod ang yabag ng mga ito. Kinalimutan na niya lahat ng mga plano ngayon, umaasa na lang siya sa kanyang lakas at talino. Binilisan pa niya ang kanyang pagtakbo ngunit mabilis na nakasunod ang dalawa. “Tigil! Kundi magpapaputok kami!” sigaw ng mga ito. Kumaripas pa rin siya ng takbo. Umalingawngaw ang tatlong putok na bumasag sa katahimikan ng gabi. Nakarinig siya ng huni ng mga bubuyog sa kanyang ulo. Nakaramdam siya ng matinding takot, papatayin siya ng mga ito. Naisipan niyang bumalik sa pinanggalingan baka naroon pa si Mr. Sy ngunit umaalis ito kasabay siya kaya alam niya na wala na ito doon. Nakarating siya sa isang gusali at nagtago sa pagitan ng dalawang kotse. Halos mawalan na siya ng lakas dahil sa matinding takot. Sinilip niya ang mga humahabol sa kanya, nakita niya na nakasunod pa rin sa kanya ang dalawang lalaki at patungo sa kinaroroonan niya. Hawak ang kanilang mga baril na parang mga kontrabida sa pelikula, tumayo sila sa magkabilang bahagi ng sasakyan. Mabuti na lang nakapagtago na si Tomas sa ilalim ng sasakyan.

“Saan na nagpunta ang ungas? Nakita mo ba?” tanong ng isa.

“Hindi! Parang dito nagpunta yon.”

“Narito lang sa paligid yon. Hindi pa nakakalayo.”

“Hindi kaya pumasok sa mga kotse?”

“Di narinig sana natin ang tunog ng pintuan.”

Hindi humihinga si Tomas habang nakahiga sa ilalim ng sasakyan. Taimtim itong nanalangin na sana hindi magbago ang isip ng mga ito. Paano kung ang ideya nilang pumasok siya sa loob ng kotse ay mapalitan ng baka nasa ilalim ng sasakyan at maisipan nilang sumilip. Wag naman sana, dasal niya. Malamig na ang panahon ngunit pinagpapawisan siya. Halos hindi siya humihinga sa kanyang pinagtataguan. Parang may mga kabayong naghahabulan sa kanyang dibdib.
“Buksan mo nga ang bag.” dinig ni Tomas.
“Mahirap buksan. Sira ang zipper, putang-ina!”

Pagpalain ang sirang zipper. Baka mabuksan pa nila ang bag at malaman na baunan at mug lang pala ang laman nito, lalo silang manggagalaiti sa galit at hindi siya tatantanan.

“Baka nagtungo siya sa gawing yon”

“Tara tignan natin.”

Nakasilip sa kanila si Tomas habang sila ay papalayo. Nag-iisip siya ngayon kung ano ang dapat gawin. Kapag nakalayo ang dalawa at hindi na siya maririnig, tatakbo siya pabalik sa kanyang kotse. Bumangon si Tomas mula sa kanyang pinagtataguan tumakbo pabalik sa kinaroroonan ng kanyang kotse ngunit pagdating niya sa kanto may nakita siyang isang lalaki ng tulad ng mga nauna, nakajacket din ito, nakasombrero ng itim at may hawak na baril. Hindi siya maaring magkamali, gang ang humahabol sa kanya, kasama nila ang isang ito at plano talagang iligpit siya kundi bakit siya pinaputukan ng mga ito. Bago pa siya nakaliko sa kanto, pinaputukan na siya ng dalawang beses. Muli siyang nakarinig ng mga bubuyog na humahabol sa kanya. Paekis-ekis siyang tumatakbo sa kalsada. Wala siyang makitang mapagtaguan. Masama na ito, tatlo na ang humahabol sa kanya at pawang may mga baril. Pigil na niya ang paghinga dahil sa takot. Pagdating sa kabilang kanto, may nakita siyang dalawang ilaw na galing sa isang humahagibis na sasakyan at patungo ito sa kanyang kinaroroonan. Ito lang nakita niyang sasakyan na dumaan mula kanina kaya pagkakataon na niya ito para makahingi ng saklolo. Tumayo siya sa kalsada at kumakaway na parang nalulunod. Dahil sa bilis ng sasakyan, hindi siya kaagad napansin ng mga lulan nito, lumagpas ito sa kanya ng sampung metro ang layo bago tuluyang huminto. Bumukas ang magkabilang pinto ng sasakyan at nakita ni Tomas ang mga lalaking pababa, nakajacket din ang mga ito at nakasombrero ng itim. Bakit iisa lang ang klase ng suot nila? Nakauniform pa sila. Malapit na siyang mawalan ng pag-asa. Parang bangungot na ang nangyayari sa kanya. Kahit saang dako ay may armadong humahabol sa kanya. Ano ang kailangan nila sa akin? tanong niya. Isa lang akong ordinaryong empleyado. Isang maliit na bookkeeper na hindi makapagpush-up ng kahit sampung beses man lang. Paano ko sila lalabanan? Bakit hindi na lang ako susuko?

Hindi siya sumuko. Tatakas siya. Walang karapatan ang mga ito para saktan ako, sabi ni Tomas. Muli siyang tumakbo patungo sa pinanggalingan ng sasakyan. Muli siyang nagpaekis-ekis, takot na takot na baka paputukan siyang muli ng mga walanghiya. May nakita siyang isang tipak ng bato sa kanyang daanan, dinampot niya ito. Hindi niya ito ibinato sa mga humahabol sa kanya, ginamit niya ito upang basagin ang salamin sa tapat ng isang establisimento, pumasok siya at nagtago habang hawak-hawak pa rin ang bato. Napakadilim sa loob, naglalagan ang mga hindi niya nakikitang mga bagay na kanyang nasagi at dahil sa ingay nasundan siya ng mga humahabol sa kanya. Nagsumiksik siya sa isang sulok. Sumunod sa loob ang mga humahabol sa kanya. Linagpasan siya ng isa habang pigil niya ang kanyang paghinga.

“Bukas ang pintuan sa likod.” sabi ng isang humahabol.

“Baka doon siya dumaan palabas, tignan natin.”

Nakahinga ng bahagya si Tomas ng makitang lumabas sa likod ang mga humahabol sa kanya ngunit hindi niya tiyak kung may naiwan sa loob. Gusto na sana niyang lumabas ngunit nagdadalawang-isip pa na baka nilalansi lang siya at paggalaw niya may nag-aabang pala sa kanya. Nang biglang makarinig siya ng kaluskos at paghinga ng isang tao. Tama ang hinala niya, nilalansi nga siya. May naiwan sa mga humahabol sa kanya at mukhang pagod na pagod. Pinakiramdaman niyang mabuti kung nasaan ito. Maya-maya, nawala ang ingay ng paghinga. Napaisip tuloy siya kung imahinasyon lang niya ang narinig kanina ngunit ilang saglit lang muli niyang narinig ang ingay. Muli siyang nakiramdam kung saan ito nakatayo, wala siyang makita dahil sa dilim. Humigpit ang pagkakahawak niya sa batong hindi niya binitawan mula kanina. Naisipan niyang lumaban. Nang may dumaang sasakyan sa tapat ng gusaling kinaroroonan niya, bahagyang lumiwanag sa loob at nakita niya kung saan nakatayo ang taong narinig niyang humihinga. Hindi siya bayolenteng tao pero pagkakataon na niya ito upang gumanti. Kanina pa siya nasa depensiba. Gagamitin niya ang bato. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, bago naglaho ang liwanag, ubos lakas niyang ibinato ang hawak sa kinaroroonan ng lalaki. Hindi na niya nakita ang sumunod na pangyayari ngunit nakarinig siya ng daing at ingay na parang may mabigat na bumagsak sa sahig. Nang matiyak na wala ng tao, nagmamadali siyang lumabas sa lugar na yon at tumakbo patungo sa kanyang kotse. Wala na sa kalsada ang mga humahabol sa kanya. Tahimik na muli ang paligid. Pagdating sa kanyang sasakyan, pinaandar kaagad ito at mabilis pa sa alas-kuwatrong lumisan sa lugar na iyon.

Kinaumagahan, ito ang laman ng diyaryo, “Holdaper Natimbog!” Dagdag pa ng balita, “Isang lalaki ang nahuli ng mga nagrespondeng pulis pagkatapos nitong pagnakawan ang isang grocery bago magsara bandang alas diyes kagabi. Ayon sa kahera, pumasok ang lalaki na nagkunwaring customer, lumapit sa kaha, tinutukan siya ng baril at sinabing holdap ito. Kinuha nito sa kaha ang mahigit sampung-libong piso na benta sa buong maghapon at inilagay sa brown na bag at pagkatapos ay tumakbo palayo sa grocery. Kaagad namang nakatawag sa himpilan ng pulisya ang kahera at ilang saglit lang rumesponde na ang ilang kapulisan na pawang mga nakasibilyan lamang. Nagkaroon ng habulan sa ilang kalye kung saan nagpaputok ng limang beses ang mga pulis. Nadakip ang holdaper sa isang establisimento na pinasok niya sa pamamagitan ng pagbasag sa salamin sa harap na siyang ikinasugat niya. Dito siya nadakip ng mga pulis habang nakahandusay sa sahig. Natagpuan din sa kanya ang bag na naglalaman ng perang nilimas niya. Ang holdaper ay kasalukuyang nagpapagamot ng sugat na tinamo sa ulo sa isang hindi nabanggit na ospital.

Napagtagpi-tagpi ni Tomas kung ano ang nangyari kagabi. Naglalakad ang holdaper palayo sa kanyang ninakawan ng marinig nito ang mga putok kaya naghanap ito pansamantala ng matataguan at habang relax na relax siya sa kanyang pinagtataguan, si Tomas ang napagkamalang holdaper at pinaghahabol ng mga pulis na nakajacket at nakasombrero ng itim. Pinaputukan pa siya ng limang beses at suwerteng hindi siya tinamaan. Hindi siya nagsisisi ngayon sa kanyang paggamit sa bato.

Ngunit paano na ang kanyang bag? May dalawang bag ang mga pulis pero hindi nila binabanggit ito sa mga tao. Sila man ay naguguluhan kung bakit dalawa ang bag. Plano ni Tomas na magtungo sa presinto para kunin ang kanyang bag. Madali lang niya itong kilalanin kasama ang kanyang baonan at mug.

Ngunit nagbago rin ang isip ni Tomas tungkol sa pagpunta sa presinto. Ang holdaper ay pwersahang pumasok sa likod ng establisimento kung saan natagpuang bukas ang pintuan doon. Ang bukas na pintuan ay naging palaisipan din sa mga pulis at hindi rin nila ito binabanggit. Kung pupunta siya sa presinto baka singilin pa sa kanya ang binasag niyang salamin kapag nalaman nila ang katotohanan. Gumana ang utak bilang isang bookkeeper na mas mahal pa ito kaysa sa luma niyang bag.

“Charged to experience.” na lamang ang nasambit ni Tomas.


- wakas -


17 Disyembre 2009

Sunday, February 21, 2010

Life, Death and the Absurd

“The most absurd way to die would be in a car crash.”- Albert Camus, a French philosopher known for his philosophy of the Absurd.


Le Grand Fossard, Villeblevin, France. Mid-winter vacation. January 4, 1960. Two men riding in a Facel Vega car , the unusual French competitor to the Mercedes SL or Aston Martin DB5, were driving back to Paris from north-central of France. The road seems in every way ordinary. But on their way it begins to rain. Not to heavily, but enough to make the road slippery. Suddenly the car skids, spins off the road, and crashes to a tree. The man in the passenger seat killed instantly while the driver died three days later in a hospital.


This kind of accident, happening to a person or persons unknown, is reported everyday in the papers. It has become part of the banality of our modern environment. But when the man killed is Albert Camus, one of France's leading literary figures, the youngest recipient of Nobel Prize for Literature at the age of 43 and at the peak of his powers, we call this death absurd. Perhaps there is no greater absurdity here. For chance, which dictates our mortality so casually, one death is an indifferent fact likes any other. Yet we persist in counting one man’s death as different with another. “I call this death shameful.” Jean Paul Sartre wrote in his eulogy the next day. He had been a close friend to Camus, and later became a bitter rival; but he buried past differences to deliver a moving assessment of what Camus had come to mean to his time. “He was one of the very few in our day,” Sartre said, “who seemed to be seeing a light at the end of the tunnel. After all that toil of the spirit, to be coming near the end of a narrow tunnel, and then to be snuffed out-It’s absurd!” Camus might have replied, “that this is precisely the absurdity of our condition: that we go on demanding that our human meanings, in this case to get to the end of the tunnel, ought to escape the indifference of fate.”


The irony became glimmer when later an unused railway ticket was found in Camus pocket. He had been planning to take the train, but at the last moment his friend and publisher Michel Gallimard (the driver) had convinced him that it would be a better trip by car.

Shameful or not, the accident seems almost like an illustration from some of his early works on the absurd. Life, when it imitates art, is usually uninventive and sometimes tragic. On the other hand, for a man who had clearly faced the question whether human life was meaningless, this was an appropriate death.


References:

Barrett, William, Time of Need Forms of Imagination in the Twentieth Century
Hawes, Elizabeth, CAMUS, A Romance
Albert Camus, Wikipedia