Sunday, January 31, 2010

“Ano ang nararamdaman mo kapag nagugutom ka?”



Ang larawang ito ay kumakatawan sa mga batang kalye. Sila ay mga walang bahay na masilungan, nagugutom, giniginaw, nagkakasakit, pinabayaan ng magulang, balat at buto na lang, nagugutom ngunit malaki ang tiyan, namumula ang mga mata dahil sa gutom at solvent, marurungis.
Sa paningin ng iba sila ay mga salot sa lansangan. Naninira ng araw, nangangalabit, namamalimos, nagpupunas, nagtatambol, kumakanta.

Narito ang mga sagot nila sa tanong na, “Ano ang nararamdaman mo kapag nagugutom ka?”

Ato, 7: Natatakot.
Bunso, 11: Naaawa sa sarili.
Tiano, 8: Naiinggit sa mga may pagkain.
Ado, 13: Galit sa nanay at tatay ko.
Crispin, 7: Masakit dito (itinuro ang tiyan).
Sara, 11: Nalilito.
Jami, 12: Nagdidilim ang paligid?
Princess, 10: Nanginginig ang katawan.
Joyjoy, 9: Minsan nawalan ako ng malay sa bangketa.
Junjun, 12: Gusto kong magnakaw para may pambili ng pagkain.
Yeye, 8: Manghihingi ng pagkain.
Bula, 14: Magpalimos.
Ana, 9: iyak.
James, 11: Naninigas ang tiyan.
Kaloy, 14: Pumatay?
Nene, 13: Magrugby .

Maaawa ka ba?

No comments: