Sunday, January 31, 2010

blog ni gary

Ganito pala ang sabi nilang blog. ngayon ko lang naisip na magkaroon nito para mas in sa uso, sabi nila. kaya lang hindi kabisado, halata yatang bago lang ako. kung baga sa bagong cellphone kalikot dito kalikot doon ang ginagawa ko hanggang sa masayahan ako sa resulta.. okey lang, hindi naman kasi ako mahilig sa makabagong teknolohiya.. hindi techie.

Sabi nila ang blog daw ay isang diary o notes, ngunit mas gusto ko itong tawaging talaan, Oo, ito ang magiging talaan ng isang nababalisang nilalang na gustong ibahagi kaninoman ang bumabagabag sa kanyang pag-iisip. Tulad nga ng sabi ng manunulat na si Gabriel Garcia Marquez, "Walang makakaalala sa iyo kung itatago mo lang sa sarili ang iyong diwa. Pilitin ang sarili mong ipahayag ang mga ito." Wala gustong patunayan, palabasin, patamaan o pasaringan ang talaang ito. Gusto ko lang na samahan ninyo ako at maging saksi kayo sa aking maikling paglalakbay..

Tara na!!!

No comments: